PAGSISIGARILYO BAWAL NA SA TESDA


February 19, 2017

Mahigpit nang ipinagbabawal ang paninigarilyo sa loob ng lahat ng tanggapan at compound ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa buong bansa kabilang na dito ang mga training institutions ng ahensiya bilang pagtugon sa direktiba ng Civil Service Commission (CSC).

Base sa tatlong pahinang TESDA Circular Number 06 series of 2017 na nilagdaan ni Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, lahat ng opisyal, empleyado, estudiyante at maging ang mga bisita ay hindi pinapayagang manigarilyo sa loob ng tanggapan naturang ahensiya sa buong bansa.

“The implementation of these guidelines shall cover officials and rank-and-file employees of the Central, Regional, Provincial Offices and the TESDA Training Institutions (RTC/PTRC and the Schools) holding plantilla positions, including personnel on Job Order basis. Visitors and guests shall likewise be covered by this policy”, nakasaad pa sa nasabing TESDA Circular.

Bilang pagbibigay naman ng karapatan sa mga naninigarilyo ay naglagay ng mga lugar sa Central Office kung saan maaaring magsigarilyo habang ang mga provincial, regional offices at training institutions ay maglalagay din ng smoking area.

Kabilang sa apat na lugar na itinalaga bilang smoking area sa Central Office na matatagpuan sa Taguig City ay sa kaliwang bahagi ng TESDA Old Dormitory malapit sa multi-covered court, NCR garage sa Gate 2, PEVOTI quadrangle at sa wishing well sa Building 12.

Ipinagbabawal din sa canteen ang pagbebenta ng sigarilyo maging ang mga cigarettes vendors ay hindi rin pinapayagang makapasok sa TESDA compound habang ang mga empleyado na mahuhuling nagtitinda ay maparurusahan.

Maging sa loob ng private vehicle napapasok sa TESDA compound ay mahigpit ding ipinagbabawal ang pagsisigarilyo habang ang mgaopisyal o empleyado na gagamit ng sasakyan ng ahensiya para sa kanilang official business ay hindi maaaring manigarilyo habang lulan ng sasakyan.

Ang Human Resource Management Division-Administrative Services (HRMD-AS), General Services Division-Administrative Services (GSD-AS) at Financial and Administrative Services Division (FASD) ng TESDA ang naatasan sa pagpapatupad ng naturang kautusan.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook