TESDA at NCIP Nagkaisa sa Pagtulong sa mga Katutubo


February 28, 2017

Nagsanib puwersa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) upang mabigyan ng libreng skills training ang mga katutubo sa ating bansa.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, ang pagbibigay ng skills training sa mga katutubo ay upang mabigyan ang mga ito ng pagkakataon na magkaroon ng sapat na kasanayan na kanilang magagamit sa paghahanap ng pagkakakitaan.

Kahapon, (February 28, 2017) ay pormal nang nilagdaan ni Mamondiong at ni NCIP Chairperson Leonor Oralde-Quintayo ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa ibibigay ng skills training sa mga katutubo.

Layunin ng proyektong ito na mabigyan ng National Certificate (NC) at Certificate of Competency (COC) ang mga katutubong nagnanais na makakuha ng skills training habang magiging obligasyon ng TESDA ang pagbibigay sa mga ito ng job referrals.

Kaugnay nito, inatasan na rin ni Mamondiong ang lahat ng provincial at regional directors upang makipag-ugnayan sa mga katutubong naninirahan sa kanilang mga nasasakupang lugar o lalawigan para sa proyektong ito.

Sa pamamagitan din nito ay maihahanda ang mga katutubo upang maging produktibo nang sa gayon ay makatulong ang mga ito sa pagpapaunlad sa kanilang mga lupain na ipinagkaloob ng gobyerno.

Samantala, nagpasalamat naman ang NCIP kay Mamondiong dahil sa pagbibigay nito ng importansiya sa mga katutubo na mabigyan ng skills training na layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Bukod kay Mamondiong at Oralde-Quintayo ay dumalo din sa MOA signing si TESDA Deputy Director General for Partnership and Linkages Rebecca Calzado at iba pang opisyal ng dalawang ahensiya.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook