TESDA at NGCP Magtutulong Para Palakasin ang Lineman Training


March 22, 2017

Magtutulong ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang palakasin ang kalidad ng skills training ng mga transmission line workers.

Base sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) nina TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong at NGCP President Henry Sy, Jr. noong nakalipas na Marso 20, nagkasundo ang dalawang grupo na muling pag-aralan ang pagandahin ang Training Regulations (TRs) at Competency Assessment Tools para sa Transmission Line Installation and Maintenance.

Sa kanyang naging mensahe, nagpasalamat si Mamondiong sa NGCP dahil aniya, napakahalaga ng gagawing pagtaas ng kalidad ng Training Regulations dahil isa itong paraan upang makapagsanay at makalikha ng magagaling na manggagawa sa bansa.

“A qualification’s TR is a policy in itself.  It is the basis for quality assurance of technical vocational education and training institutions in their program registration, and assessment and certification of Filipino workers.  The same TRs are being used to benchmark and compare the qualifications of our Filipino workers with that of other countries,” sabi pa ni Mamondiong.

Ayon naman kay Mr. Sy, naaayon ang agreement na ito sa national development ng bansa. “When power lines go down, it is the linesmen who go out, up the mountains and across the rivers just to bring the electricity back to thousands of households and industries.  While the maintenance of power lines lies in their hands, it is our responsibility to empower these everyday heroes”.

Nakasaad sa MOA na kinakailangang muling pag-aralan ang kasalukuyang Training Regulations at Competency Assessment Tools ng Transmission Line and Installation Maintenance upang maging tugma sa kuwalipikasyon ng NC II at NC III (National Certificate).

Bukod kay Mamondiong at Sy, kabilang din sa dumalo sa MOA signing sina TESDA Executive Director Imee Taganas at NGCP Chief Administrative Officer Anthony Almeda na kapwa nagsilbing saksi sa kasunduan.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook