SKILLS TRAINING IBINIGAY NG TESDA SA KAANAK NG MGA NASAWING SUNDALO AT PULIS


March 30, 2017
Nagbigay ng libreng skills training ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga kaanak ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na nasawi sa operasyon.
 
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, ang pagbibigay ng skills training sa mga kaanak ng mga nasawing sundalo at pulis ay dahil na rin sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno sa Comprehensive Social Benefits Program (CSBP) para sa AFP at PNP personnel.
 
Bukod sa mga beneficiaries ng mga tinatawag na Killed-in-Action/Killed-in-Police-Operation (KIA/KIPO) ng AFP at PNP ay mabibigyan din ng pagkakataon ang mga Wounded-in-Action/Wounded-in-Police Operation (WIA-WIPO) na pulis at sundalo na magkaroon ng skills training na magmumula sa TESDA.
 
Napag-alaman pa na ang CSBP ay sinimulan noong February 16 ng kasalukuyang taon sa Koronadal, South Cotabato (Mindanao area), February 24 sa Iloilo City (Visayas area) at March 24 sa Atrium Hotel, Pasay City (Luzon area) na dinaluhan ng regional/provincial directors ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno kabilang na ang TESDA, Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI) at iba pa.
 
Nitong February 28 nang irekomenda ng DILG sa TESDA ang 88 KIA/KIPO beneficiaries na nagmula sa mga liblib na lugar at iba pang rehiyon sa buong bansa habang posible pa itong madagdagan.
 
Base sa alituntunin ng CSBP, kabilang sa mga benepisyong makukuha ng mga pulis at sundalo ay ang Special Financial Assistance (SFA) na ibibigay ng dalawang magkasunod. Ang una dito ay ang P250,000 para sa KIA/KIPO habang P100,000 naman sa WIA/WIPO.
 
Upang makuha naman ang nalalabing P250,000 para sa KIA/KIPO at P150,000 para sa WIA/WIPO ay kinakailangang kompletuhin ng benipisyaryo ang financial literacy training ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), entrepreneurship training mula sa DTI at skills training galing sa TESDA.
 
Dahil dito, nagsagawa ng programa na tinawag na “Special Skills Training for AFP and PNP Battle Casualties and Dependents” ang gobyerno na ginanap sa 1st Division (Tabak) Headquarters, Upper Pulacan, Zamboanga del Sur noong March 27 hanggang 29, 2017 para mapabilis ang pagkuha ng benepisyo ng mga naapektuhang sundalo at pulis kung saan ay dumalo ang 34 participants na kumuha ng training sa TESDA sa kursong Process Food by Smoking.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook