BKKK PROGRAM NG TESDA NAGING MATAGUMPAY


April 05, 2017

Naging matagumpay ang programang Barangay Kasanayan para sa Kabuhayan at Kapayapaan (BKKK) ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na layuning mabigyan ng libreng skills training ang mga naninirahan sa malalayong lugar at lahat ng barangay.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guling “Gene” Mamondiong, layunin ng BKKK na matutulungan ang mga kababayan nating naninirahan sa mga liblib na lugar na mapaangat ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng skills training na kanilang magagamit sa paghahanap ng trabaho sa loob at labas ng bansa.

Nais din ni Mamondiong na magkatulungan ang TESDA at ang local government units hanggang sa barangay upang maihatid ang serbisyo ng gobyerno partikular na ang pagbibigay ng sapat na kasanayan sa mga residente sa bawat lugar.

“The program is anchored on President Rodrigo R. Duterte’s agenda of inclusive growth, where every “Juan” must be taken care of in whatever aspect of government services to help them alleviate their living conditions. On TESDA’s part as government agency, basically, the skills training and development programs will be enhanced to serve the people even in the remotest areas of the country”, sabi pa ni Mamondiong.

Aniya, naging matagumpay ang BKKK dahil na rin sa pakikiisa ng bawat barangay partikular na ang pamunuan ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas na tumulong upang magkaroon ng katuparan ang programang ito.

Napag-alaman na tatlong paraan ang ikinasa ng TESDA upang marating ang mga naninirahan sa malalayong lugar, ito ay ang rekomendasyon na nagmula sa kanilang barangay, on-line registration sa website ng ahensiya na www.tesda.gov.ph at ang walk-in applications kung saan ay maaaring magtungo ang interesadong indibidwal upang magparehistro sa alinmang tanggapan ng TESDA na malapit sa kanila.

Matapos naman ang pitong buwang implementasyon ng BKKK ay umabot sa 512 trainees na nagmula sa Region VI (Province of Aklan) ang nakapagtapos sa kursong kanilang napili at patuloy pa itong madaragdagan sa pagpapatuloy ng naturang programa. Kabilang sa mga nagsipagtapos ay miyembro ng ATI Tribe.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook

 
household service worker profiling
Performance Measurement and Management System
Maritime Labour Convention 2006
Social Security System