EMERGENCY SKILLS TRAINING NG TESDA SINIMULAN NA


May 31, 2017

Pormal nang sinimulan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang Emergency Skills Training Program (TESTP) na layuning makapagbigay ng kasanayan sa iba’t-ibang sektor ng lipunan kabilang na dito ang mga nagsiuwing Overseas Filipino Workers (OFWs).

Napag-alaman kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong na noong May 1 ng kasalukuyan taon nang simulan ng naturang ahensiya ang pagtanggap ng aplikasyon mula sa mga gustong mapabilang sa TESTP.

Sa pamamagitan ng programang ito ay mabibigyan ng oportunidad ang mga mapasasama sa TESTP na magkaroon ng sapat na kasanayan na magagamit ng mga ito sa kanilang paghahanap ng maayos na pagkakakitaan.

 “With this program, we will give the most suitable tech-voc training to our countrymen who have found themselves in difficult times and give them a better shot at finding profitable jobs or the skills to start their own businesses”, sabi pa ni Mamondiong.

Bukod sa mga OFWs ay kabilang din sa mga mabibigyan ng prayoridad na mapasama sa naturang programa ay ang mga kaanak ng mga miyembro ng AFP at PNP na nasawi at nasugatan sa labanan; mga pamilyang apektado ng kaguluhan; pamilya ng mga traffic enforcers ng MMDA; mga nagsisukong drug dependents at kanilang pamilya; informal settlers at iba pa.

“We will make these opportunities available to those sectors that we consider to be vulnerable, so that they may find the strength to get back on their feet, recover from their situation, and once again be productive members of our society”, dagdag pa ng kalihim.

Kabilang naman sa mga training na ipagkakaloob sa TESTP ay ang motorcycle/small engine servicing; prepare cold meals; solar lamps assembly; nihonggo language; hilot (wellness massage); carpentry; process food by salting, curing and smoking at maintain and repair audio/video products.

Bukod sa libreng skills training ay ipagkakaloob din ng TESDA sa mga mapalad na mapabibilang sa naturang programa ang free assessment and certification, free starter kit at allowance sa kabuuan ng training program.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook