TESDA AT CBCP IBABANGON ANG PAMILYANG PILIPINO


July 10, 2017

MAGIGING magkatuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maiangat ang pamumuhay ng pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng skills training.

Base sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ng TESDA at CBCP, bibigyan ng skills training ang mga miyembro ng Basic Ecclesial Communities (BEC) sa larangan ng family enterprise na layuning mapaunlad ang kanilang negosyong pampamilya,

Sa ginanap na lagdaan ng MOA noong Biyernes (July 7) ay naging kinatawan ng TESDA si Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong habang sa hanay naman ng CBCP ay si Most Rev. Socrates Villegas samantalang naging saksi naman ang iba pang opisyal ng naturang ahensiya at nasabing grupo.

Napag-alaman na ang isang BEC ay binubuo ng pito hanggang walong pamilya ay itinatag ng Committee on Basic Ecclesial Communities ng CBCP na layuning mailapit ang mga miyembro nito sa gawain ng simbahan at matulungang mapaangat ang kanilang kabuhayan.

Sa pamamagitan ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) ng TESDA ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga pamilyang bumubuo ng BEC na mabigyan ng skills training depende sa kanilang kasanayan na gustong pag-ibayuhin partikular na ang tungkol sa pagpapalago ng negosyong pampamilya.

Nakatakdang simulan ang programang ito na tinawag ding “Skills Development towards Family Enterprises” sa July 19 sa Cagayan de Oro City kung saan ay ilulunsad ang proyektong ito.

Isa sa mga ibinigay na halimbawa ng family enterprises ay ang pagtatayo ng isang karinderya kung saan ay magtutulong-tulong ang bawat miyembro ng pamilya upang mapaunlad ang kanilang itatayong negosyo.

Layunin ng TESDA na mabigyan ng libreng skills training ang bawat miyembro ng pamilya upang magkaroon ng National Certificate (NC) na kanilang magagamit sa pagpapalago ng kanilang napiling family enterprise.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook

 
household service worker profiling
Performance Measurement and Management System
Maritime Labour Convention 2006
Social Security System