FREE ASSESSMENT PARA SA MGA WORKERS IPAGKAKALOOB NG TESDA


July 11, 2017

Magbibigay ng libreng assessment at certification ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga industry workers upang maipaalam sa mga manggagawa ang kahalagahan ng Competency Assessment and Certification System ng ahensiya.

Kasabay nito, hinikayat ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong ang lahat ng industry workers na hindi pa sumasalang sa assessment at wala pa ring certification mula sa naturang ahensiya na makiisa sa isasagawang Competency Assessment and Certification for Workers (CACW) Program.

Nilinaw ni Mamondiong na hindi kasama sa CACW Program ang mga graduating students o trainees ng TESDA registered programs habang ang mga dumaan na sa assessment at hindi nabigyan ng certification ay hindi rin mabibigyan ng libreng assessment.

Aniya, ilulunsad ang nasabing programa na may temang “Basta Certified ng TESDA, Angat Ka” sa darating na July 11 ng kasalukuyan taon sa Tandang Sora Hall, TESDA Women’s Center, Taguig City.

Sasagutin ng mga Regional Offices ng TESDA ang gagastusin ng mga mapapabilang sa CACW Program kabilang na dito ang mga qualifications na nakapaloob sa Training for Work Scholarship Program (TWSP).

Target ng CACW Program na makapagbigay ng 51,900 free assessment slots hanggang December 2017.  Kabilang sa maaaring mapagkalooban nito ay ang mga workers/industry practitioners/professional/career shifters; prospective industry assessors; PWDs; public utility vehicle (PUV) drivers; trainers ng private at public technical-vocational institutions (TVIs) at overseas Filipino workers (OFWs).

Maaaring makakuha ng application form at listahan ng mga requirements sa lahat ng accredited Assessment Centers o sa pinakamalapit na TESDA Provincial Office.  Mag-download ng Self-Assessment Guide (SAG) sa http://goo.gl/sluc7c o buksan ang website ng ahensiya www.tesda.gov.ph/Self_Assessment, upang malaman ang mga competencies na  i aasess.

Nakasaad din sa TESDA Circular number 31 series of 2017 na inaatasan ang lahat ng Regional Offices na pumili ng qualifications na kanilang ipagkakaloob sa CACW Program base sa mga industriya na nasa kanilang nasasakupang lugar.

Ang Provincial Offices naman ang naatasang maghanda ng listahan ng mga aplikante bawat qualifications, assessment centers, schedule at itatalagang competency assessors base na rin sa nakasaad sa guidelines ng system ng TESDA.

Samantala, nagpakita naman ng suporta sa pamamagitan ng paglagda sa “commitment of support” sa CACW Program ang iba’t-ibang industry sectors at associations na kinabibilangan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI),  Honda Philippines, Inc.;  Philippine Constructors Association (PCA), , Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP), Metalworking Industries Association of the Philippines (MIAP), Philippine Pharmacist Association, Inc. (PPhA), Drugstore Association of the Philippines (DSAP), Tourism Industry Board Foundation, Inc. (TIBFI), Animation Council of the Philippines, Inc. (ACPI), Hotel and Restaurant Association of the Philippines (HRAP), Game Developers Association of the Philippines (GDAP), Department of Agriculture (DA), Semiconductor and Electronics Industries of the Philippines, Inc. (SEIPI), Association of Carriers and Equipment Lessors (ACEL), Mechatronics and Robotics Society of the Philippines (MRSP), Café Ysabel, Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. at Department of Trade and Industry (DTI).




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook

 
household service worker profiling
Performance Measurement and Management System
Maritime Labour Convention 2006
Social Security System