TESDA NAKIPAG-UGNAYAN SA MGA EMBASSY PARA SA LANGUAGE PROFICIENCY AND CULTURE


September 27, 2017

Upang matulungan ang mga kababayan nating nagbabalak na magtrabaho sa ibang bansa ay nakipag-ugnayan na ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga embahada na nakabase sa Pilipinas para magkaroon ng language proficiency and culture training sa kanilang pupuntahang lugar.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, sa pamamagitan nito ay magiging madali na sa mga kababayan nating nagnanais na magtrabaho sa labas ng Pilipinas na makipag-usap na at makibagay sa mga naninirahan sa kanilang pupuntahang bansa.

Lumalabas sa isinagawang pag-aaral na ang pagkakaroon ng kaalaman sa lenguwahe at kultura ng pupuntahang bansa ay isang malaking tulong para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil napabubuti nito ang serbisyo na ipagkakaloob ng isang empleyado.

“Language proficiency at the workplace enhances quality service delivery which results in increased productivity and effectiveness. Workplace-based language proficiency and knowledge of the culture of a particular country tend to promote better human relations and provides added security overseas”, nakasaad pa sa liham ni Mamondiong na ipinadala sa mga embahada.

Kabilang sa mga pinadalhan ng liham ng TESDA ang Spanish Embassy, People’s Republic of China Embassy, Embassy of United Kingdom, Vietnamese Embassy, Malaysian Embassy, Embassy of Kingdom of Saudi Arabia, Japanese Embassy, Korean Embassy, Italian Embassy, French Embassy, Russian Federation Embassy at German Embassy.

“In this regard, TESDA would like to recommend that our Filipino Workers undergo workplace-based language training and culture prior to deployment. This specialized training has significant contribution in increasing the Filipino workers’ productivity, efficiency and quality of service delivery”, bahagi pa ng liham.

Bukod dito, nakipag-ugnayan na rin ang TESDA kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello, III para sa katuparan ng proyektong ito.

“The increasing mobility of our Filipino workers has enabled them to be subject to exploitation and abuse due to the lack of awareness and confidence on the language of the country. Thus, the knowledge of workplace-based language and culture will be useful tool to thrive in a country”, ayon naman sa liham ng TESDA sa DOLE.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook