Human rights victims sasanayin ng TESDA


Jan. 22, 2018

Sasanayin ng   TechnicalEducation and Skills Development Authority (TESDA) ang may 6,000  mga biktima ng human rights sa ilalim ng Marcos regime na kinilala ng Human Rights Victims Board (HRVCB) na mga  eligible claimants ng Non-Monetary Reparation (NMR).

Nilinaw ni   TESDA  Director General Guiling ‘Gene’ A. Mamondiong  na ang kanyang tanggapan, isa sa mga implementing partner ng HRVCB, ay hindi magbibigay ng tulong pinansyal sa mga human rights victims.

Sa halip, ang TESDA ay  magkakaloob ng  mga  libreng pagsasanay na makakatulong sa mga miyembro at  kanilang mga pamilya para mabigyan sila ng tsansa na makapagtrabaho  upang kumita o self-employment.

“The eligible beneficiary may avail of the skills training or competency assessment and certification or entrepreneurship training.  They may avail of multiple scholarship programs but not simultaneously”, ani Mamondiong.

Aniya ang mga beneficiaries ay maaring pumunta sa malapit na TESDA Office upang mag-avail sa nasabing training programs. Sila ay lalagda sa isang kasunduan  para sa kanilang kahandaan na sumailalim sa programa at pumayag na bayaran ang halaga ng skills training  sakaling  hindi nito tatapusin.

Kung  hindi na  puwede  ang   isang nabubuhay na human rights victim, ang benepisyo ay maaring makuha ng isa sa  mga kuwalipikado nitong   dependent.

Sakaling makumpleto  na  ang pagsasanay, iindosro naman  ng TESDA ang  eligible graduate sa Public Service Employment Office (PSEO) ng Local Government Units para mabigyan sila ng trabaho.

Sinabi ni Mamondiong na  kinikilala ng gobyerno ang mga  kabayanihan at sakripisyo ng mga human rights victims noong panahon ng MartialLaw  mula September 21, 1972 hanggang Pebrero 25, 1986.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook