TESDA ,Pilipino Mirror magtutulungan


January 26, 2018

Nakipagkasundo ang Technical Education and Skills and DevelopmentAuthority (TESDA) sa isang media  group   upang malinaw at higit pang mapalawak ang pagpapakalat ng mga impormasyon sa publiko ang mga bagong programa at serbisyo ng  ahensya.

 Ito ay sa pamamagitan ng nilagdaang memorandum of  agreement (MOA) sa pagitan ng  TESDA at Filipino Mirror Media Group Corporation (FMMGC) kahapon.

Ang MOA ay nilagdaan nina TESDA Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong at Marvin N. Estigoy ,VP Advertising Sales ng FMMGC na sinaksihan na sinaksihan nina G. Alvin S. Feliciano, TESDA deputy director general  at Jocelyn L. Siddayao, general manager ng FMMGC ng nasabing media group.

Sa kanyang mensahe sa signing ceremony, sinabi ni Mamondiong na mahalaga ang papel at gawain ng media  upang maiparating at maipakalat   sa mga tao ang mga gawain at accomplishment ng gobyerno.

Aniya, kahit anong ganda ng mga ginagawa at programa ng gobyerno, hindi ito maiparating sa publiko kung walang tulong ang media.

Nagpasalamat naman si Estigoy sa nasabing kasunduan dahil malaki ang maitutulong nito  upang makarating sa  kanilang mga readers  particular yaong  mga gustong magnegosyo at matuto sa mga iniaalok na serbisyo at programa ng TESDA.

Ang TESDA ay magkakaroon ng   dalawang kolum na libreng artikulo sa tabloid na Pilipino Mirror na dalawang beses na lalabas sa loob ng isang lingo sa nasabing pahayagan.  Ito ay tuwing araw ng Martes at Huwebes..

Ang kasunduan ay magtatagal sa loob ng isang taon na opisyal na magsisimula sa Enero 25, 2018.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook