TESDA pinarangalan ng JICA


February 05, 2018

Pinarangalan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa naging mahalagang partisipasyon at tulong nito sa rehabilitasyon  ng mga lugar sa Visayas Region  matapos itong  salantain  ng bagyong Yolanda.

Kasama ang  TESDA   sa mga  napisil para tumanggap ng “JICA   President Award for the Project on Rehabilitation and Recovery from Typhoon Yolanda”.

“TESDA as one of JICA’s partners in the implementation of this project is deeply honored to be chosen as one of the recipients of this award along with other partners in our concerted efforts to rehabilitate those areas badly affected by typhoon Yolanda in 2013”, ani. Sec. Guiling “Gene” A. Mamondiong.

Ayon kay Mamondiong  ang mga gawain ng JICA ay patuloy na nakakatulong sa socio-economic agenda ng Pilipinas para sa  pangunahing layunin na mapaunlad ang buhay ng maraming mga Filipinos sa pamamagitan ng iba’t ibang Official Development Assistance (ODA) sa buong bansa.

Ang nasabing parangal ay  ibinibigay  sa mga ‘outstanding partners”   ng  JICA Overseas Offices sa mga proyekto na nagkaroon ng positibong resulta  at direktang nakatulong  sa publiko at  kaunlaran ng lugar.

Umaasa  ang JICA na sa pamamagitan ng  parangal na ito ay  higit  pang mapaunlad ang bilateral ties ng Japan at Pilipinas at patuloy  na tatag  ang pagtutulungan ng dalawang bansa.

Kasunod na wasakin ng bagyong Yolanda ang Visayas Region noong 2013, ang TESDA ay isa sa mga tumulong sa   mga sinalantang komunidad hindi lamang sa  relief operations kundi sa rehabilitasyon sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga tao at pagbibigay ng mga kagamitan na makakatulong sa kanilang pagbangon.

Ayon sa ulat ng TESDA-Region Vlll, 18,616 Yolanda survivors ang nagtapos sa mga training programs ng ahensiya simula 2013 kung saan 11,615 ang natasa,  11,166 ang nasertipikahan at umaabot sa 17,093 ang nakapagtrabaho.

Kaugnay nito, nagbigay naman ang JICA ng dalawang gusali para sa  TESDA Regional Office Vlll at Balangiga National Agricultural School (BNAS) sa Balangiga, Eastern Samar na may mga training tools at mga kagamitan.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook