TESDA Chief: 2-day National TVET Enrolment and Jobs Bridging Matagumpay!


March 9, 2018

Matagumpay ang isinagawang 2-araw na National TVET Enrolment and Jobs Bridging ng Technical Education  and Skills  Development Authority (TESDA) kung  saan umabot sa 192,654 ang  nagpatalang mga enrolees  para maging bagong scholars sa iba’t ibang technical vocational education and training (TVET) qualifications sa buong bansa.

Sa tala ng TESDA nitong Marso 7, may kabuuang 192,654 enrolees ang nagpatala sa  mga  iniaalok  na technical vocational (tec-voc) courses  para sa libreng pagsasanay.

Ang Region  III ang nanguna sa may pinakamataas  na bilang na nagpatalang mga enrolees, 27,248, sumunod ang ARMM, 22,324; Region XI,  18,732; Region  V,  18,575; Region VI , 17,812; Region IV-A,  14,739;  Region X, 12,434; Region XII, 10,602; NCR, 10,553;  Region lX, 10,146; Region IV-B, 9,153; Region VII, 7,146; CAR, 4,029; CARAGA, 3,159; Region VIII, 2,589; Region ll, 2,475; ang may pinakamababang tala naman  ay ang Region l , na may bilang na  938.

Samantala, ang top 5 sa mga kursong nais kunin ng mga enrolees ay ang   Driving NC ll, Computer Systems Servicing NC ll, Bread and Pastry Production NC II, Cookery NC ll, at Dressmaking NC ll.

Nagpahayag ng kagalakan si TESDA Director General Guiling “Gene” A. Mamondiong sa tagumpay ng isinagawang  2-araw na National TVET Enrolment at Jobs Bridging nitong Pebrero 27-28, 2018  sa buong bansa  dahil sa pagdagsa ng mga interesadong kumuha ng iba’t ibang   skills  na iniaalok ng ahensya at mga TVET graduates at iba pang job seekers na gustong  makapagtrabaho na ang ilan pa nga ay mga dayuhan.

Samantala,   sa jobs bridging, umaabot sa 2,906 job applicants  ang natanggap “on the spot”   mula sa  7,932 na nag-apply   para sa may tinatayang mahigit 80,000 trabaho  na inialok ng mga ka-partner na mga  industriya at  kompanya ng TESDA   sa buong bansa.

Napag-alaman  na 870 kompanya ang lumahok sa jobs fair at  naglatag  ng may  tinatayang amhigit 80,000 trabaho kung saan 2,906 ang natanggap  agad sa may  kabuuang  7,932  aplikante.  Ang iba naman ay nakatakda pang-interbyuhin ng mga kompanya na kanilang  pinag-aplayan.

Upang maiwasan ang  ‘job mismatch’ nanawagan si Secretary  sa publiko  na magsanay sa iba’t ibang kurso na iniaalok ng TESDA na naangkop sa kanilang  skills  upang madali silang makahanap   agad ng trabaho.

“Sa mga panahon ngayon hindi na sapat ang may pinag-aralan lang, kailangan ay  meron din tayong  skills at karagdagang kaalaman para maiwasan na ang tinatawag na ‘job mismatch’ at makahanap tayo ng mas magandang trabaho para sa ating pamilya”, ani Mamondiong.

Ang programa ay naglalayon na paigtingin pa ang   promosyon  at adbokasiya  ng iba’t ibang programa at serbisyo ng TESDA, mailapit ang mga programa ng ahensya sa mga kliyente nito sa buong bansa at  pagkakaloob ng tulong sa mga TVET graduates na naghahanap ng trabaho.

Ang dalawang araw na aktibidad ay naging matagumpay  sa tulong ng  Local Government Units (LGUs), Regional Offices ng Department  of Labor and Employment, at Public Employment Service Offices (PESO).  Kasama rin sa mga  nagbigay ng suporta ang mga  Technical Vocational Institutions (TVIs) at mga kompanya   tulad ng   Jollibee Corporation, Toyota Motors Philippines, Ace Hardware at SM Supermarket.

Nauna rito, naging abala ang mga  regional and provincial offices  ng TESDA sa isinagawang paghahanda  sa nasabing aktibidad sa pamamagitan nang pakikipag-ugnayan sa mga kalahok at aktibong pag-monitor sa bilang ng natulungang    mga kliyente na isinagawa ng mga Regional and Provincial Offices ng nasabing ahensya.

Gumamit din sila ng mga online facilities, gaya ng Facebook Livestreaming upang ipakalat ang mga  impormasyon at kaalaman tungkol sa aktibidad.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook