Himok ni Mamondiong sa 200 trainers na nagtapos sa multipliers program: Magsanay ng 3,000 trainers para sa Bangon Marawi


September 6, 2018

Davao City, Davao – Hinamon ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General at Secretary Guiling “Gene” Mamondiong ang may 200 trainers mula Marawi City at Lanao del Sur na magparami sa pamamagitan nang pagsasanay ng 3,000 iba pang trainers, na sila naman ang magsasanay sa mga manggagawa sa mga kinakailangang kasanayan,  hindi lamang  para sa  pagbangon ng  ekonomiya sa Marawi City at Lanao del Sur, kundi na rin upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Sa kanyang pagdalo sa pagtatapos ng Multiplier Trainer’s Training Program on Agri-based Product Skills Livelihood ng TESDA na idinaos sa Korea-Philippines Vocational Training Center sa Davao City, sinabi ni Mamondiong na ang 200 trainers ay makakatulong upang mapasigla at mapaunlad ang ekonomiya ng Muslim Mindanao.

“President Rodrigo Roa Duterte has started the road to long-lasting, sustainable, and just peace by signing into law the Bangsa Moro Organic Law. We, at the TESDA, are embarking on an economic revolution to sustain that peace, and that could be achieved if you, our trainers, will provide our people with the necessary skills, not only for rebuilding Marawi, but also to reduce poverty and pursue economic growth in the city and Lanao del Sur,”  pahayag ni Mamondiong sa harap ng mga trainers.

Bilang suporta sa Bangon Marawi, ang inter-agency economic rebuilding program ng gobyerno  para sa nasirang siyudad ng Lanao del Sur,  sinabi ni Mamondiong na ang TESDA ay nagdaos  ng Multiplier Trainers’ Training Program on Agri-based Product Skills  para madagdagan ang kaalaman  ng  200 trainers na kinabibilangan ng mga  katutubo, internally-displaced persons, rebel returnees at iba pang mahihirap na mamamayan ng Marawi City at  lalawigan ng  Lanao del Sur   na ang mga aktibidades ay naglalayong madagdagan ang kanilang  kaalaman  hinggil sa mga   agriculture-related occupations, tulad ng  horticulture, crops production, poultry at small ruminants growing, food processing at mga tourism-related activities.

Ang  trainers’ skills training program ay  tumagal ng apat  na araw. Ang  200 participants ay nagsagawa ng field visits at nakinig sa mga  lecture-demonstrations sa   Ateneo de Davao  University’s  Shoe Academy  sa  Ma-a (agriculture and footwear and leather goods production); Wangan National Agricultural School, Brgy. Wangan, Calinan District, Davao City; at ACES Polytechnic College, Panabo City (organic agriculture production, animal growing, at horticulture.

Sa pagtatapos ng training, binisita din ng mga trainers  ang  Korea-Philippines Vocational Training Center (food processing, agri-machinery, other industrial trades) at ang  Lupon School of Fisheries  sa  Lupon, Davao Oriental (agri-crops production, animal growing, food processing, at mga  tourism-related activities).

Hinamon at hinimok ni  Sec. Mamondiong ang mga trainers na gamitin ang kanilang bagong  mga natutunan na kasanayan upang magsanay ng ibang trainers at iba pang manggagawa, internally-displaced persons, rebel returnees at iba pang mahihirap na mamayan at tumulong sa gobyerno  sa paglutas ng  kahirapan at pagkaroon ng pangmatagalang kapayapaan at pagpapaunlad ng ekonomiya sa  Muslim Mindanao.

Ayon kay Mamondiong, mag-oorganisa rin ang TESDA nang katulad na programa para sa  mga lalawigan ng Maguindanao, Sulu, Basilan at Tawi-Tawi.




Back to List

 

Like us on Facebook

 
 
Fact Sheet
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph