Nagliwanag ang paligid ng kapilya ng San Joaquin, sa Palo, Leyte nang namahagi ang TESDA ng SOLAR NIGHT LIGHTS sa pangunguna ni Secretary Joel Villanueva kasama ang mga opisyales ng Local Government Unit. Laking tuwa ng mga residente ng nasabing barangay nang sila ay makatanggap ng ilaw na produkto ng TESDA sa pakikipagtulungan sa My Shelter Foundation at engineering students ng University of Sto. Tomas. Ang barangay San Joaquin ay isa sa mga matinding tinamaan ng bagyong Yolanda kung saan mahigit 300 ang nasawi sa trahedya. Nagpasalamat naman ang mga residente sa munting kontribusyon ng TESDA at kahit papano ay magbibigay liwanag sa kanilang tahanan tuwing sasapit ang gabi.


"...Itong ilaw po ay hindi lamang sumisimbolo ng pag-asa kundi ito rin po ay sumisimbolo sa desisyon natin na gusto nating maging produktibo. Mahirap po kasi ang gumalaw kapag walang ilaw at kapag may ilaw po kasi mas nagiging fruitful ang ating layunin na makabangon muli...

"Sa TESDA, may choice ka." - SECRETARY JOEL VILLANUEVA
#tataktesda #tatakworldclass