TESDA AT YAMAHA NAGSANIB PUWERSA


March 7, 2017

Nagsanib puwersa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Yamaha Motor Philippines, Incorporated (YMPH) upang magkaroon ng Motorcycle Training Center na layuning makapagturo ng Motorcycle and Small Engine Servicing sa mga kababaihan at out of school youth.
 
Kasabay nito, lumagda din sa Memorandum of Agreement (MOA) ang TESDA na pinangunahan ni Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong at YMPH President Toru Osugi para sa paglalagay ng Motorcycle Training Center sa TESDA Women’s Center sa Taguig City.
 
Sinaksihan ng mga opisyales at empleyado ng TESDA at mga kinatawan ng YMPH ang “unveiling” ng marker para sa Motorcycle Training Center habang binasbasan din ang mga training laboratory na gagamitin para sa naturang kurso.
 
Ayon kay Mamondiong, ang proyektong ito ay layuning makapagbigay ng skills training sa Motorcycle and Small Engine Servicing-National Certificate (NC2) sa mga nagnanais na matuto nito na kanilang magagamit sa paghahanap ng trabaho o pagtatayo ng maliit na negosyo.
 
Nakasaad pa sa MOA na magbibigay ang YMPH ng mga motorsiklo, tools at equipment na ilalagak sa Motorcycle Training Center na pangangasiwaan ng TESDA Women’s Center na siyang gagamitin ng mga estudiyante.
 
Tutulungan din ng TESDA at ng YMPH ang mga magtatapos ng kursong Motorcycle and Small Engine Servicing na makakuha ng trabaho para sa kanilang maayos na kabuhayan habang ang mga trainees ay makakapasok bilang on-the-job training sa mga service centers ng Yamaha.
 
“The establishment of a Technical Vocational Education and Training Center for Motorcycle and Small Engine Servicing to serve out of school youth or marginalized young adults specifically women”, nakasaad pa sa pangunahing layunin ng MOA.




Back to List

 

Like us on Facebook

 
 
Fact Sheet
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph