31,190 NATULUNGAN NG BKKK PROGRAM NG TESDA


May 28, 2017

Umabot sa 31,190 indibidwal ang natulungan ng programang Barangay Kasanayan para sa Kabuhayan at Kapayapaan (BKKK) na ipinagkakaloob ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa buong bansa.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, 23,542 sa naturang bilang ang nabigyan ng scholarship programs sa Technical Vocational Institutions (TVIs) at Tesda Technology Institutions (TTIs) habang ang natirirang 7,648 ay napagkalooban naman ng ibang serbisyo na ibinibigay ng naturang ahensiya.

Aniya, inaasahan na mabilis na madaragdagan ang mga mapagkakalooban ng programa ng BKKK dahil hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na sinusuyod ng TESDA ang bawat barangay sa buong bansa partikular na ang mga malalayong lugar upang mapagkalooban ng skills training ang mga residente.

Base sa talaan, 1,279 indibidwal ang napagkalooban ng programa ng BKKK mula sa Region 1; 815 naman sa Region II; 2,388 sa Region III; 3,022 sa Region IV-A; 8,590 sa MIMAROPA; 2,114 sa Region V; 1,070 sa Region VI; 1,895 sa Region VII; 1,825 sa Region VIII; 2,965 sa Region IX; 943 sa Region X; 1,324 sa Region XI; 766 sa Region XII; 134 sa CARAGA; 646 sa CAR; 1,414 sa NCR habang sa ARMM ay hinihintay pa ang bilang.

Matatandaan na simulan ni Mamondiong sa kanyang panunungkulan sa TESDA ang pagpapatupad ng 17-point Reform and Development Agenda na layuning mabigyan ng kasanayan ang iba’t-ibang sektor ng lipunan.

Kabilang dito ang Barangay-Based Scholarship Program; Online Scholarship Application; Walk-in Scholarship Application; Technical Audit of TVET Schools and Programs; Skills Training for Drug Dependents; Skills Training for Entrepreneurs and Family Enterprises; Skills Training Program for Inmates and their Families; OFWs Reintegration; Special Skills Program for the Indigenous People (IP); Expanded Training Program for Women and PWDs; Continuing Program for TESDA’s Alumni; Global Access to/online database of TVET Graduates and Certified Skilled Workers; Strengthen Linkages with the Agro-Industrial Sector; Strengthen Linkages with Foreign Skills Training/Funding Institutions; Linkages with State Universities and Colleges (SUCs) and Local Universities and Colleges (LUCs); Transparency; Moral Renewal.

Ang BKKK ay nakapaloob sa Barangay-Based Scholarship Program na isa sa 17-point Reform and Development Agenda ng TESDA.




Back to List

 

Like us on Facebook

 
 
Fact Sheet
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph