Alternatibong refrigerants kontra global warming ilulunsad ng TESDA


May 17, 2018

Ilulunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang paggamit ng R290 Hydrocarbon bilang alternatibong refrigerant sa mga Split-Type Air-Conditioning Systems na malaking tulong sa pandaigdigang kampanya kontra global warming.

Ang paglulunsad ay gaganapin sa   Green Technology Center sa TESDA Complex, East Service Road, South Superhighway, Taguig City  sa darating na Mayo  17, 2018 ganap na alas-9:00 umaga.

Ayon kay TESDA Director General Guiling “Gene” A. Mamondiong, ipapakilala ng TESDA  ang  R290 Hydrocarbon  bilang alternatibong refrigerant  sa Split-Type  Airconditioning Systems  bilang pakikipagtulungan nito sa proyektong  “Cool Contribution fighting Climate Change (C4) Project” isang pandaigdigang proyekto na ipinatutupad ng  Deutsche Gesellschaft für Internationale Zusammenarbeit (GIZ)  GmbH ng Germany   bilang kinatawan ng International Climate Initiative of the German Federal Ministry for the Environment, Nature Conservation and Nuclear Safety (BMU-IKI).

Ang GIZ ay magtu-turnover ng 9 hydrocarbon (R290) split air-conditioning units at workshop equipments na gagamitin para sa demonstration at training programs para sa tama at ligtas  na pagkabit,  paggamit, pagserbisyo at  pagmintina ng mga  nasabing alternatives.  Ito ay susundan ng public consultation session sa  hapon.

Ang  C4 project ay naglalayon na isulong ang international control  ng mga climate-damaging fluorinated greenhouse gases (F-gas) tulad ng hydroflourocarbons (HFCs) na karaniwang ginagamit bilang refrigerants sa refrigeration at air conditioning (RAC).

Ipinaliwanag ni Mamodiong  na isang   Green   technical and vocational education and training (TVET)  (Green TVET)  forum ang isinagawa kamakailan  para sa planong gumamit ng  green technology ang ahensya sa   pagtuturo at pagsasanay  sa mga technical-vocational (tech-voc) scholars  para  sa  suportahan ang  adhikain ng gobyerno para makatulong ang ahensya sa pangangalaga ng kalikasan.

Aniya, ang R290 Hydrocarbon, bilang alternative refrigerants ay   makakatulong sa  RAC Sector upang  makamit ang mga  layunin  ng international protocols at environmental agreements, tulad ng  Kyoto Protocol (1997), Montreal Protocol (2007), Paris Agreement (2015), at  Kigali Agreement (2016) para mapangalagaan ang kapaligiran.

Sinabi ni Mamondiong na ang pagtuturo ukol sa  hydrocarbons ay isasama sa curriculum ng RAC Sector  para sa   environmental-friendly technology alinsunod sa  mga  international environmental agreements.

Upang matiyak  na ligtas ang hydrocarbon, lumagda sa isang kasunduan  ang TESDA at GIZ na  nilagdaan nina Mamondiong, NITESD Executive Director, Elmer K. Talavera; GIZ Programme Manager , Beranard Siegele; at GIZ C4 Project Manager, Philipp Munzinger para sa pagdaraos ng  5-day  demonstration-workshop and training of trainers (TOT) para sa RAC service trainers/technicians.

Sa Pilipinas ang proyekto ay nakikipagkoordinasyon sa Climate Change Commission ukol sa Nationally Determined Contributions (NDC), Department of of Environment and Natural Resources (DENR) para sa refrigerants, Department of Energy (DOE) upang ma-improve ang energy performance ng climate-friendly alternatives at Department of Trade and Industry (DTI) para sa ligtas na pagpapakilala sa nasabing mga alternatives.

Ang C4 project ay ipinatutupad sa anim na ka-partner na bansa: Cuba, Grenada, Costa Rica, Iran, Vietnam at Pilipinas bilang suporta sa kanilang  commitments sa Paris Agreement.

Ang proyekto ay pinonduhan ng Federal Ministry for the Environment, Nature Conservation, Building and Nuclear Safety of the Federal  Republic of Germany na iprinesenta sa  pamamagitan ng  Deutsche Gesellschaft fur Internationale Zusammenarbeit (GIZ) GmbH bilang implementing agency.




Back to List

 

Like us on Facebook

 
 
Fact Sheet
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling
FindWork

TESDA Hotline

Please be advised that the TESDA SMS facility is currently unavailable.
All inquiries may be coursed through our :
  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph